Live Chat

Mga Malimit Na Katangungan

Nakatuon kami sa pagbibigay ng impormasyong kailangan mo, kapag kailangan mo ito. Dahil ang mga pagkakataong ito ay natatagpuan lamang kung mayroon kang insight at expertise na kailangan.

total_items_found

Nagbabawas ba ng buwis ang markets.com sa mga dibidendo?

Down

Oo, alinsunod sa naaangkop na batas ng US, kapag nag-trade ka gamit ang CFDs sa mga Instrumento ng US. Ibabawas ng markets.com ang isang default na withholding tax na 30% sa mga dibidendo na babayaran sa mga instrumento ng US. Iwi-withhold ng Kompanya ang default na 30% na buwis maliban kung ang Kompanya ay bibigyan ng wastong W8 o W9 form kung aplikable. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring sumangguni sa aming Mga Tuntunin at Kondisyon.

Ano ang withholding tax at paano ito binabayaran?

Down

Ang “Withholding Tax” ay isang buwis na ibinabawas sa mga kinita o sa mga babayarang pondo at direktang binabayaran sa gobyerno ng nagbabayad ng kita na ito.

Dahil dito, ang halaga ng buwis ay "wini-withhold" ng kompanya mula sa mga pondong babayaran sa tagatanggap (dibidendo).

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring sumangguni sa aming Mga Tuntunin at Kondisyon.

 

Ano ang Enhanced Verification?

Down

Bilang bahagi ng aming proseso sa Enhanced Verification, kinakailangan naming ilapat ang Enhanced Due Diligence (“EDD”) sa aming mga kliyente. Ito ay nagbibigay daan upang matugunan namin ang mga mga kinakailangan sa regulasyon at magpatupad ng trading environment na naaayon sa pinakabagong mga pamantayan sa European Economic Area (EEA) o mga katumbas na bansa. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng EDD, nagagawa naming magsagawa ng advanced integrity at background screening para sa enhanced transparency. Ang kadahilanang tumutulak ng aming pagpapatupad ng EDD ay ang mga panuntunang pinapagana ng 4th EU AML Directive, na nagbibigay ng karagdagang diin sa mga aspetong tulad ng Ultimate Beneficial Ownership (UBO) at EDDr.

Kinakailangan at kinokolekta namin ang impormasyong ito para mabuo ang iyong profile at matiyak na mayroon kaming sapat na impormasyon tungkol sa pinagmumulan ng mga pondo. Ang impormasyong ito ay hindi ibabahagi sa anumang mga third party.

Paano ko maisusumite ang aking mga kinakailangang dokumento?

Down

Para isumite ang iyong mga dokumento, mag-click sa Menu na matatagpuan sa kanang sulok sa itaas ng markets.com platform at piliin ang tab na Verification Center.

Maaari ka ring mag-upload ng mga dokumento gamit ang markets.com mobile app.

Maaari ko bang i-update ang mga detalye ng aking account kung kinakailangan?

Down

Kapag ganap nang na-verify ang iyong account, hindi mo na malayang mababago ang mga detalye ng iyong personal na account. Kung kailangan mong i-update ang mga detalye ng iyong account, makipag-ugnayan sa aming support team sa pamamagitan ng Live chat o support@markets.com at magbigay ng kaugnay na impormasyon.

Saan ko mahahanap ang aking account number?

Down

Matatagpuan ang iyong markets.com account number sa bandang kanan at itaas na menu ng aming WebTrader. Nagsisimula sa 'mk' ang iyong account number.

Naka-disable ang account ko, ano ang kailangan kong gawin?

Down

Kadalasan, ang iyong account ay madi-disable dahil sa pasong dokumentasyon o kakulangan ng impormasyon. Maaari kang lumapit sa aming support team sa support@markets.com o sa pamamagitan ng LiveChat para sa karagdagang impormasyon.

Sa anong currency ako makakapagbukas ng account sa inyo?

Down

Ang mga currency kung saan inaalok namin ang paggawa ng account ay EUR, AUD, DKK GBP, NOK, PLN, SEK, USD, ZAR.

Ang pagpipiliang mga currency para sa aming MT4/5 platform ay binubuo ng EUR, GBP, USD, AUD, CAD, JPY, PLN.

Tandaan: kung isinagawa ang iyong deposito gamit ang currency na naiiba sa itaas, maaaring may mga conversion fee na inilapat.

Maaari ko bang ilipat ang aking deposito sa MT4/5 platform?

Down

Oo, para magawa ito kailangan mong pumunta sa bandang kanan at itaas na menu ng markets.com platform at mag-navigate sa tab na 'Aking Mga Account'. Mula sa pop up window, piliin ang button na ‘Paglilipat ng mga pondo’ at ituro ang iyong request ayon sa gusto mo.

Paano magbukas ng Joint Account?

Down

Maaari ka lamang magkaroon ng Joint Account sa isang asawa o isang first-degree na kamag-anak ng pamilya (ina, ama, kapatid na lalaki, kapatid na babae). Ikaw at ang iyong kamag-anak ay dapat na parehong nagmamay-ari ng verified owned registration, pagkatapos nito, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa amin at punan ang amingJoint Account application form.

Paano magrehistro para sa isang corporate account?

Down

Ang pangunahing awtorisadong tao ng iyong kompanya ay maaaring gumawa ng pagpaparehistro sa pamamagitan ng normal na proseso, habang kinukumpleto ang mga personal na detalye at palatanungan batay sa kanyang data. Pagkatapos makumpleto ang pagpaparehistro, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng support@markets.com para mabigyan ka namin ng mga kinakailangang dokumento.

May bayad ba ang mga hindi aktibo/dormant account?

Down

Oo, anumang trading account na hawak ng aming kompanya kung saan hindi naglagay ng trade ang kliyente; bukas o saradong mga posisyon; at/o nagdeposito sa account sa loob ng 90 araw o higit pa, ay inuuri bilang isang Hindi Aktibong Account.

Ang mga naturang account ay maaring pagbayarin sa isang buwanang singil na 10 USD, na nauugnay sa kanilang pagpapanatili, pangangasiwa at pamamahala sa pagsunod sa mga naturang Hindi Aktibong account. Kung walang available balance sa iyong pagpaparehistro, walang bayaring ibabawas.

Ano ang pagkakaiba ng Demo Account at Real Account?

Down

 Parehong gumagana ang Demo at Real account sa ilalim ng real-time na mga kondisyon ng market. Tumatakbo ang Demo account gamit ang mga virtual na pondo para sa mga layunin ng pagsasanay, hindi tulad ng isang Real account na nagpapahintulot sa iyong makipag-trade gamit ang mga tunay na pondo kung saan dapat mongisaalang-alang ang mga panganib na nauugnay sa potensyal na pagkawala ng ilan o lahat ng iyong puhunang kapital.

Nakalimutan ko ang aking password, ano ang gagawin ko?

Down

Maaari mong i-reset ang iyong password kapag pumunta ka sa bandang kanang taas ng menu ng 'Login' sa aming website at pagkatapos ay mag-click sa 'Nakalimutan ang password'

 

 

 


Ilagay ang iyong nakarehistrong email address kung saan makakatanggap ka ng link para mag-set up ng bagong password.

Paano magpapalipat-lipat sa Real at Demo mode ng aking account?

Down

Para lumipat ng mga account, mag-click sa Menu na matatagpuan sa kanang sulok sa itaas ng markets.com platform at piliin ang huling opsyon mula sa drop down na 'Lumipat sa Demo/o Real'.

Kung nasa mobile app:
Mag-click sa tatlong linyang menu sa kanang sulok sa itaas ng iyong screen at pagkatapos ay mag-click sa tab na Lumipat sa Demo/Lumipat sa Real.

Saan ko makikita ang aking Account Balance at iba pang status?

Down

Matatagpuan ang account balance at iba pang impormasyong pinansyal sa kanang sulok sa itaas ng markets.com platform (karaniwan ay naka-toggle sa icon na '$'). Para sa mga detalye sa pananalapi ng iyong MT4/5 account, pumunta sa kanang sulok sa itaas na menu at mag-click sa “Aking mga account”.

Isipin na ang Account Balance na ipinakita ay hindi nagpapakita ng kita/pagkawala ng mga bukas na posisyon.

Bakit kailangan kong i-upload ang aking Photo ID at iba pang mga Dokumento?

Down

Ayon sa mga obligasyon sa legal at regulasyon, kinakailangan ng Finalto BVI na i-verify ang iyong pagkakakilanlan at residential address. Para sa layuning ito, maaaring kailanganin ang Photo ID at katunayan ng tinitirahan.


Sa pagbubukas ng account sa amin, sumasang-ayon ang mga trader na sumunod sa lahat ng naaangkop na money laundering at kontra-terorismo na mga batas at regulasyon sa pagpopondo, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, ang pangangailangang magbigay ng kasiya-siyang ebidensya ng pagkakakilanlan, residential address, pinagmumulan ng mga pondo, atbp. Hindi magtatatag ang aming kompanya ng isang relasyon sa negosyo sa isang indibidwal maliban kung at hanggang ang pagkakakilanlan at tirahan ng kliyente ay matagumpay na na-verify, at/o lahat ng kinakailangang dokumento ay natanggap at na-verify. Ito ay para protektahan ang kliyente at kami mula sa panloloko, gayundin ang pag-iingat sa pagkapribado ng kliyente, at samakatuwid ay bahagi ng aming karaniwang proseso ng due diligence. Reserbado namin ang karapatang magpatupad ng karagdagang kinakailangang due diligence kapag kinakailangan.

Ano ang mangyayari kung hindi ko gagamitin ang aking Demo Account?

Down

Kung walang mga bagong posisyon ang Demo Account sa loob ng 90 araw, itatakda ito na hindi aktibo at babayaran ang anumang umiiral na nakabukas na mga posisyon.

Anong mga dokumento ang kailangan para ma-verify ang aking markets.com account?

Down

Katunayan ng Pagkakakilanlan – malinaw na kopya ng isang valid na Pasaporte; kung ito ay hindi available mangyaring bigyan kami ng kopya ng iyong National ID o Driver’s license.  Dapat ibigay ang pasaporte sa lalong madaling panahon.

Dapat ay malinaw ang lahat ng mga detalye (buong pangalan, petsa ng kapanganakan, petsa ng pagkapaso, litrato, numero ng dokumento at buong security strip kung aplikable). Hindi tatanggapin ang katunayan ng pagkakakilanlan na nagpapakita ng mga initials.

Katunayan ng Tinitirahan - malinaw na kopya ng: bank o credit card statement, utility bill (hal. tubig, kuryente, gas, landline phone, Internet, TV Service), mga municipality statement.

Tandaan na ang lahat ng detalye ay dapat na malinaw na nababasa (buong pangalan, address ng tinitirahan, petsa ng pagkaka-issue ng dokumento, logo o tatak ng kompanyang nag-issue).

Ang mga dokumento ng katunayan ng tinitirahan ay dapat na-issue sa loob ng nagdaang anim na buwan. Ang lahat ng dokumentong ibinigay ay dapat na-issue sa pangalan ng kliyente; ang mga third party na dokumento ay hindi tatanggapin.

National Client Identifier (“NCI”) – Bilang bahagi ng aming mga regulatory reporting obligation, kailangan naming i-verify ang iyong NCI. Para ma-validate ang iyong NCI, kailangan mong ibigay sa amin ang mga dokumentong nabanggit sa itaas. Batay sa iyong nasyonalidad, maaaring kailanganin ang karagdagang dokumentasyon tulad ng malinaw na kopya ng Citizen Card, Taxpayer card, Pasaporte, National Insurance number, National Identification number, dokumentong nagsasaad ng iyong fiscal code, at iba pa. Sa mga pagkakataong hindi available ang mga dokumentong may pinakamataas na priority, maaari tayong magpatuloy sa pamamagitan ng paggawa ng CONCAT. Gagawin ang CONCAT sa pamamagitan ng paggamit ng impormasyong naibigay mo na sa panahon ng iyong pagpaparehistro, tulad ng petsa ng iyong kapanganakan at pangalan.

Enhanced Verification – Bilang bahagi ng iyong account verification, maaaring hingin ang karagdagang impormasyon para masapatan ang aming mga regulatory requirement. Ang impormasyong maaari naming hingin para sa mga layuning ito ay ang sumusunod:

– Katunayan ng Numero ng Telepono – Ito ay maaaring dokumentong nagpapatunay sa numero ng iyong telepono (mobile o landline). Ito ay maaring: bill ng telepono, isang tax statement, isang bank statement, payslip o anumang opisyal na dokumentong ibinigay ng isang third party na naglalaman ng iyong pangalan at numero ng telepono. Dapat nilalaman ng dokumento ang iyong buong pangalan ayon sa mga dokumento ng pagkakakilanlan. Para ma-approve ang iyong mga ipinasang dokumento, kakausapin ka namin sa numero ng teleponong nakalagay sa dokumento.

– Liham ng Bank Confirmation – Liham na mula sa iyong banking institution, batay sa EEA o isang katumbas na bansa, na naglalaman at nagpapatunay ng iyong Buong Pangalan, Address, Petsa ng Kapanganakan at Pasaporte/ID number. Kung ang pasaporte o ID number ay iba sa dokumento ng pagkakakilanlan na ipinasa mo, hihingi kami ng malinaw na kopya nito.

Bakit ninyo kinokolekta ang aking personal data?

Down

Ang impormasyong kinokolekta namin mula sa iyo ay tumutulong sa amin na tuparin ang aming mga obligasyon sa ilalim ng mga batas sa Anti-Money Laundering at mga kinakailangan sa pag-uulat ng regulasyon. Ibinibigay mo ang mga detalyeng ito sa pamamagitan ng yugto ng pagpaparehistro at sa tuwing magpaparehistro ka ng bagong paraan ng pagbabayad sa amin o sa anumang paraan para i-refresh o i-update ang iyong impormasyon.

Sino ang responsable para sa pagproseso ng aking data?

Down

Finalto (BVI) Limited na kinokontrol ng FSC sa ilalim ng license number SIBA/L/14/1067 na matatagpuan sa Ritter House, Wickhams Cay II, Road Town, Tortola, VG1110, British Virgin Islands

Ang Finalto (BVI) Limited ay ang entity na nangongolekta ng iyong data. Para sa anumang karagdagang impormasyon o para mag-ulat ng kahina-hinalang reklamo, mangyaring kaagad na makipag-ugnayan sa customer support@markets.com o privacy@markets.com.

Paano ko made-delete ang aking data?

Down

Maaari kang mag sumite ng request sa pamamagitan ng pag-email sa support@markets.com. Kapag ito ay natanggap na, isasailalim ito sa maiging pag review na maaaring abutin ng hanggang 10 araw. Sa panahong ito, ikaw ay aming kokontakin para sa mga karagdagang impormasyon patungkol sa iyong kaso.

Kung mangyaring mayroon kang historyang pinansyal sa amin, ang iyong data ay dapat iimbak sa aming system ng hindi bababa sa 5 taon mula sa araw ng iyong huling transaksyon.

Hanggang kailan ninyo itatago ang aking data?

Down

Iniimbak namin ang iyong personal na data hangga't kinakailangan at may kaugnayan sa mga sumusunod na panahon:
– 5 taon mula sa petsa ng pagwawakas ng iyong customer account.
– Anumang panahon ng pagpapanatili na iniaatas ng batas.
– Anumang pangangailangan na mag-imbak ng mga talaan na lampas sa mga panahon sa itaas para mahawakan ang mga potensyal na pag-audit, usapin sa buwis o para sa pagtatatag, paggamit o pagtatanggol ng mga legal na paghahabol.

Nagpapabayad ba ang Kompanya ng mga inactivity fee?

Down

Kung saan ang iyong trading account ay nanatiling hindi aktibo sa loob ng higit sa 3 buwan (90 araw), naglalapat kami ng inactivity fee na 10 USD kada buwan, para matugunan ang mga operasyonal, administratibo at kumpormidad na mga gastos sa pagpapanatili ng iyong account. Pakitandaan na kung sakaling mayroon kang maraming mga trading account sa ilalim ng isang username, ang activity fee ay babayaran kapag ang lahat ng iyong mga trading platform ay hindi aktibo. Mangyaring sumangguni sa Mga Tuntunin at Kondisyon tungkol sa pamantayan ng kawalan ng aktibidad.

Gusto pa rin ng mga sagot?

Walang tanong na masyadong maliit para sa amin, makipag-usap sa isa sa aming sinanay na kawani ng suporta, na available sa pamamagitan ng email, telepono o live chat.

Live Chat